Cebu Pacific, muling binuksan ang Cadet Pilot Program para sa mga gustong maging ganap na piloto!

Cebu Pacific at Airworks Aviation, inilunsad ang Cadet Pilot Program para magbigay ng oportunidad para sa mga gustong maging piloto.

Muling binabalik ng budget carrier Cebu Pacific Air ang Cadet Pilot Program para mabigyan ng chance na matupad ang pangarap ng mga Pinoy na nais maging piloto.

Sa ilalim ng programang ito, na unang inilunsad noong 2017 gamit ang “study now, pay later scheme,” inaasahang mabibigyan ng sapat na karanasan, mentorship at trabaho sa airline ang mga mag-eenroll dito.

“We’re thrilled to offer aspiring pilots the opportunity to become commercially licensed through our Cadet Pilot Program. Currently, we are the only airline in the Philippines with a cadet pilot program. This initiative will allow us to produce highly skilled pilots ready to provide safe, convenient, and reliable flights for every Juan,” ani Capt. Samuel Avila II, CEB Vice President for Flight Operations sa isang news release.

Nilagdaan ang kasunduan para sa self-funded na programa nitong Hunyo 6 sa pamamagitan ng CEB at CEB Airworks Aviation.

“This cadet pilot program, which we launched together with Cebu Pacific, will allow us to further provide aspiring pilots with the means to fulfill their dreams at the most competitive cost and incentives. Together, we are forging the future of aviation in the country,” ayon naman kay Airworks Aviation President Vincent Charles Ong.

Para sa mga gustong mapasali sa programa, dadaan muna sila sa panel interview at kung maipasa ito dadaan ang mga successful candidate sa medical assessment. Kapag nag-qualify, mabibigyan sila ng slot bilang CEB pilot matapos ang 18 linggo na training.