Cat reveal? Ford Territory launch sa BGC, nauwi sa viral cat moment dahil sa agaw-eksenang puspin

Isang antok na tilapia cat na nakitulog sa ilalim ng kotse ang naging star sa launching ng Ford Territory Trend Hybrid sa isang event sa Taguig City.
Found this article interesting? Help others discover it too!

From car reveal to cat reveal ang naging peg ng launching event ng bagong modelo ng kotse ng Ford sa BGC, Taguig City kamakailan.

Sa halip kasi na solo ang spotlight ng Territory Trend Hybrid, agaw-eksena sa grand unveiling ang isang pupungas-pungas pang puspin na mukhang pumuslit at nakatulog sa ilalim ng takip ng kotse bago magsimula ang programa.

Sa viral TikTok video ng Suplado Motors, makikitang mukhang litong-lito ang tilapia cat nang biglang tanggalin ang itim na takip kasabay ng malakas na tugtog. Umabot na sa 13.5 million views ang naturang video.

@supladomotors

Yung tulog ka lang tapos pag-gising mo, BOOM! Na-launch na pala yung Ford Territory Trend Hybrid at ₱ 1,399,000! 😴🚗💥 #ford #fordphilippines #fordtrendhybrid #fordhybrid #FordTerritory #TrendHybrid #PowerYourJourney #SurpriseLaunch #TeamSuplado #HybridNaToh #AutoPH #SarapMagDrive #GisingNaBes #stanleychi #CarTalksPH #cartok #cartiktok #auto #car #suv @Stanley Chi @Ford Philippines

♬ original sound – Suplado Motors – Suplado Motors

Tuwang-tuwa ang netizens sa eksena at may kanya-kanyang hirit sa comments section. Ang iba, hinikayat ang Ford na ampunin na ang pusa bilang lucky charm, habang ang iba namay ay nag-suggest na pangalanan itong “Ford.”

“Ford Territory Hybrid with 9 lives Warranty”

“nagpahinga lang bigla pang nasama sa grand launching ng ford”

“Ford Territory Hybrid with Anti-Rat Device 😂😂”

“Buy cat get 1 free ford territory hybrid. 😍”

“Ui Ford Philippines, hire nyo na po sana si tilapia cat. Swerte po yan kasi nasabay sya sa launching nyo ng new unit plus International Cat Day din. Yey! Super lucky car+cat. ✨🤩”