Cat mom na may nakakaantig na post tungkol sa pagiging ina, pinusuan ng netizens

Nagpasalamat ang isang cat mom sa kanyang alagang pusa dahil tinuturuan siya nito ng mga importanteng leksyon sa buhay.

Isang cat mom ang nagpaantig ng puso sa internet dahil sa kanyang gratitude post tungkol sa kanyang alagang pusa.

Ani Shey Ybanez sa Facebook post, laking pasasalamat niya sa kanyang pusa na si Leo Pogi dahil sa mga naituro nito sa buhay, tulad na lang ng pagiging isang ina.

“Hindi man ako biniyayaan ng totoong anak, pero may Leo Pogi naman ako nagturo sakin paano maging Ina,” sinabi ni Shey. “Proud to have raised a healthy and kind hearted cat,” dagdag pa niya.

Pinusuan naman ang kanyang post ng mga netizens, lalo na sa mga nakaka-relate na fur parents na kung ituring ang kanilang mga alagang hayop na para na ring tunay na mga anak.

Sa isa pang post, nagpasalamat din si Shey sa Diyos dahil nabiyayaan siya ng isang alagang pusa na nagpapaalala sa kanya na maging mabuting tao.

“Lord, nahanap ko na po yung Palagi ko.. palaging nagpapaalala sa akin na maging mabuting tao,” ani Shey sa isang video post na kuha ang alagang pusa na tahimik na nakaupo sa simbahan habang kinukumpas-kumpas ang buntot nito.

(Courtesy: Shey Ybanez/FB)