Cash is King: Ang Valentine’s Day wish ng maraming Pinoy!

Ngayong February 14, magregalo na lang ng cash sa inyong minamahal para mas happy ang puso, ayon sa isang survey.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Hindi na kailangan maglakad sa bubog or bumuga ng apoy para mapasaya ang inyong mga jowa ngayong Valentine’s Day dahil mas maraming Pinoy ang mas bet makatanggap ng cash kesa kung ano pang mga paandar sa Araw ng mga Puso.

Ayon sa survey ng Social Weather Station (SWS) na isinagawa noong huling quarter ng 2023, pera ang gustong matanggap ng 16 % na mga Pinoy ngayong parating na Valentine’s Day, sinundan naman ito ng love and companionship (11%), flowers (10%) at apparel (9%).

May 5% namang nagsabi na kahit anong regalo ay okay para sa Valentine’s Day basta galing ito sa puso.

Sa mga kababaihan, 19% ang nagsabi na mas type nila na pera ang matanggap at 12% naman sa mga kalalakihan. Mayroong ding 14% na mga kalalakihan na gusto nilang makatanggap ng damit bilang regalo.

Nasa 1,200 katao na nasa edad 18 pataas sa buong Pilipinas ang tinanong sa survey.

Sa naturang survey, malaking bilang rin ng mga Pinoy ang nagsabing sila ay masaya sa kanilang lovelife.

Nasa 58% ang sumagot ng “napakasaya,” 23% naman ang sumagot ng “sana mas masaya pa,” at 19% ang “walang love life.”

https://philstarlife.com/news-and-views/409393-filipinos-want-money-for-valentines-day-survey?fbclid=IwAR0lwFhQNTcriIJ6mAW1CcMt-2dqH4htuAXJFH4J4zpzQjS_NOUZsQ4KQaI#