‘Carless Sunday’ ng Naga, bida online dahil sa pagbibigay suporta nito sa lokal na sining at talento

Pinuri ng netizens ang lingguhang “Carless Sunday” ng Naga City kung saan buhay ang sining, musika, at pakikipagkapwa-tao.

Ultimate wish ng bawat Pilipino? Isang lifetime subscription ng premium good governance para sa lahat.

Sa viral TikTok video ni Solterong Lakwatsero, tampok ang kakaibang “Carless Sunday” sa Naga City sa Bicol, kung saan mala mini-fiesta ang kalsada at ramdam ang saya ng buong komunidad.

Sa clip, makikita ang mga mananayaw, musikero, atleta, pintor, at iba pang local talents na malayang nagpapakita ng kanilang skills sa kalsada. Bukas ang buong espasyo para sa creativity, small businesses, at community bonding kaya naman proud na proud ang mga Bicolano sa proyektong ito ng LGU Naga.

Para sa mga Bicolano, mas nabibigyan ng spotlight ang talento ng Pilipino at mas napapalakas ang diwa ng pakikipagkapwa-tao sa bawat Linggo sa pamamagitan ng programang ito.

@solteronglakwatsero POV: naka premium ka sa good governance! #carless #sunday #capcut #goodgovernance #fyppppppppppppppppppppppp ♬ original sound – Lunarfoxdreams

Tuwang-tuwa rin ang netizens sa comment section at halos mapa “sana all” sa saya ng mga taga-Naga:

“NAKAKAINGGIT!!!!”

“For me magandang idea to, bukod sa maggegenerate ng work and business. It also helps people to do things with other people, kumbaga nagkakaroon ng socialization and naeemphasis yung welfare ng society. ❤️🫶”

“ang saya siguro ng mga taga naga kasi may nilu-look forward sila every sunday 🥹”

“ang galing ng concept pati mga local talents nagsisilabasan.😊”