Bago pa man ipakilala sa mundo ang bagong Santo Papa, may nauna nang “act of charity” si Cardinal Luis Antonio Tagle: isang humble na alok ng candy para sa kinakabahang si Pope Leo XIV.
Sa isang presscon mula sa Vatican, ikinuwento ng Pinoy cardinal na matapos mahalal si Cardinal Robert Francis Prevost bilang successor ng yumaong si Pope Francis, napansin niyang tila ninenerbyos ito bago humarap sa publiko.
“Nung katabi ko si Cardinal Prevost, nung humihinga-hinga na siya, sabi ko, ‘gusto mo ng candy?’ Sabi niya ‘sige bigyan mo ako ng isa’,” kwento ni Cardinal Tagle.
Dagdag pa niya, pabiro daw niyang sinabihan si Pope Leo XIV kung ano ang kahalagahan ng pagabot niya ng candy. “Sabi ko, ‘O yan ha, yan ang unang act of charity ko sa bagong Santo Papa’.”
Pero bago pa ang moment na ito, may isa pang nakakatuwang eksena. Kwento niya, nagdala siya ng candy sa loob ng Sistine Chapel bilang paghahanda sa mahabang proseso ng pagboto, batay sa kanyang karanasan noong 2013 papal conclave.
“I go back to 2013, when I experienced the conclave. Nung nakita ko yun e kako ‘ganito pala kahaba’… Nagdala ako ng candy para kung kumulo ang tyan mo, may candy,” anya.
Matapos niya bumoto, ayon kay Cardinal Chito, pasimple daw siyang sumubo ng isang candy dahil siya ay nagutom. Agad daw siyang sinita ng katabi niyang cardinal mula sa Colombia.
“Yung cardinal na katabi ko, siniko ako. Ano raw dinala ko sa Sistine Chapel. Sabi ko ‘candy, caramel’. Sabi niya: ‘This little boy daw, bringing candies in the Sistine Chapel. Meron ka pa bang isa?’ hahahaha… Taga Colombia. Sabi ko ‘kunwari ka pa, o ayan’,” kwento pa niya.
Cardinal Tagle brought& ate candy inside the Sistine Chapel (in 2013) bec he realized the conclave was taking sooo long and he might get hungry
Tapos inulit niya this year. Then binigyan niya si C. Prevost since magkatabi nga sila. First act of charity niya daw kay Pope. Pls 😭 pic.twitter.com/sU1JaGLdFq
— Nikki Verder (@welverder) May 9, 2025
Kasama rin sa conclave sina Cardinal Jose Advincula ng Maynila at Bishop Cardinal Pablo Virgilio David ng Kaloocan.