Candy Pangilinan super proud dahil SHS graduate na ang anak na si Quentin

Candy Pangilinan proud sa anak na si Quentin na nagtapos sa senior high school na may special award.

Good vibes ang hatid ni Candy Pangilan sa kanyang mga vlogs kasama ang anak na si Quentin.

Kamakailan, inspirasyon na naman ang hatid ng mag-ina matapos i-share ni Candy sa Instagram ang pagtatapos ni Quentin sa senior high school. Proud mommy si Candy na nagmartsa sa stage kasama ni Quentin na tumanggap ng special award.

“Wala po kaming high honors pero most Cheerful award po kami,” ang saad ni Candy sa kanyang caption.

Laughtrip din ang mag-ina dahil wala silang maayos na picture sa stage. “Hay! Hanggang graduation di kami magkasundo. Wala kaming matinong picture. Okay lang graduate pa rin kami,” sabi pa ni Candy.

Maganda rin ang timing dahil nag-tantrums si Quentin, na isang neurodivergent child, pagkatapos na ng programa.