Call me baby! 33-year-old na tito, nag-channel ng inner infant sa birthday photoshoot

Kakaiba ang naging trip ng isang millennial para sa kanyang birthday photoshoot dahil newborn ang naging peg nito.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Mga titos and titas na hindi na inabot ang pagkauso ng newborn photo shoots, hindi dapat malungkot dahil kahit anong edad, pwede naman itong gawin. Tulad na lamang ng isang 30-anyos na tito na nag-channel ng kanyang inner baby para sa isang nakakatuwang studio session.

Sa post ni Louie Denver na shinare ng Klasik Titos and Titas of Manila page, ipinasilip ng OP kung paano siya nag pose nang parang sanggol para sa kanyang 33rd birthday shoot.

Siyempre, hindi rin mawawala ang mga cute na pick up lines tungkol sa pagiging “baby.”

Meron din siyang entry na mala-anghel at naka-swaddle. Sa sobrang patok nito sa mga millennials, mukhang marami ding makikigaya at maaari pa itong maging trend.