Cake na mala greeting card, hinangaan ng netizens

Nauuso na ngayon ang cake na pwede na ring gawing greeting card.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Napahanga ang mga netizen sa effort ng Patrick’s Cakehouse and Catering sa paggawa ng cake na may sobrang mahabang dedication. Ang hugis ng cake na ito ay rectangle.

“Large chocolate moist cake with a long and rather quirky dedication,” ang caption ng Patick’s Cakehouse and Catering sa kanilang Facebook page na may larawan ng cake.

“Happy birthday, Ma’am Buen. Wishing you a fantastic day filled with joy, laughter, and all the things the [that] make you smile. May this new year of life brings you fulfillment in both your personal and professional endeavor. Thank you for all your hard work and dedication in managing the collection team. You truly make a difference everyday. Cheers!” ang matiyagang sinulat ng baker cake.

Nakalagay din ang pangalan ng mga nag-ambag sa cake na kung saan ay nakalagay din kung ito ay “receivable,” o di kaya “sa-ad” pa lang o pangako. Ang nakakuha ng atensyon ay ang nakalagay na “exempted-indigent.”

Nasa 13 tao din ang nalagay na pangalan sa cake. Ang isa naman sa nagbigay ng ambag na P500 ay si Benjie.

“Good job!! Thank you, Patrick’s Cakehouse & Catering, for creating a dedication cake that brought so much happiness to our supervisor. Your talent and effort made the occasion truly special. We appreciate your dedication and the joy you brought to our collection team,” komento ni Benjie.

“Ang husay ng piping skills!!!!” sabi ng isang netizen.

“Ang galing ng nagsulat hahaha kudos,” saad naman ng isa.

“Wow.. I appreciate who make the cake.. lots of effort,” sabi ng isang netizen.