Hindi talaga matatawaran ang katapatan ng mga taxi driver sa Baguio City, at isa na namang kahanga-hangang kwento ang nagpatunay dito kamakailan lang.
Isang cabbie ang nagpost sa isang Facebook group para hanapin ang may-ari ng mga grocery bags na naiwan sa kanyang taxi.
Sa post ni Vhin Bensan sa community page ng Cordillera Operators and Taxi Drivers Association nitong Pebrero 24, makikita ang picture ng tatlong paper bags na punong-puno ng grocery items na naiwan sa kanyang taxi matapos mag-shopping sa SM Supermarket ang pasahero.
“Hiniwalay po namin ang karne kasi need na freezer. May resibo po, sabihin na lang po nyo anu anu po mga nasa resibo. Thanks po,” saad ni Vhin sa kanyang caption. Nag-iwan rin siya ng contact number para matawagan siya ng kung sino man ang nag mamay-ari ng grocery items.
