‘Buwan ng Wika pro max’: Level-up na selebrasyon ng isang paaralan sa Isabela, kinabiliban ng netizens

Tinodong Buwan ng Wika celebration sa La Salette of Ramon sa Isabela kinabiliban ng mga netizens.

Bahagi na ng Calendar of Activities ng mga paaralan kada taon ang pag-celebrate ng Buwan ng Wika kung saan nagsusuot ng mga kasuotang Pinoy ang mga estudyante at mga guro, nagkakaroon ng mga programa na nagpapakita ng mga tradisyonal na sayaw at awitin, at pagsasalo-salo ng mga pagkaing Pinoy.

Ganito din ang paraan ng celebration ng mga taga La Salette of Ramon sa Isabela ng Buwan ng Wika. Ang naiba lang ay kung paano ito tinodo ng eskwelahan at ng mga estudyante matapos nilang magdala ng mga totoong mga props sa kanilang presentasyon.

Sa TikTok post ni @red, makikita ang mga estudyante ng La Salette of Ramon na dala ang isang kalabaw, jeepney, at ulo ng lechon sa kanilang presentasyon.

“Yung section niyong ayaw magpatalo tuwing may kompetisyon sa school. Dinamay na pati ang nananahimik na kalabaw,” aniya.

@rdnclpjo ‘Yung section niyong ayaw magpatalo tuwing may kompetisyon sa school. Dinamay na pati ang nananahimik na kalabaw 🤣😍 #buwanngwika #pov #fyp #philippines ♬ Piliin mo ang pilipinas – Dracシ

Bilib na bilib naman ang mga netizens sa panalong number ng mga estudyante ng La Salette of Ramon.

“eto na pinaka bonggang buwan ng wika celeb. na nakita ko.”

“buwan ng wika pro max hahaha”

“First time makakita ng ganitong Buwan ng Wika…..love it……nakaka proud maging pinoy ❤❤❤❤❤❤❤❤❤❤ Congrats… Sa inyong lahat….. God bless”

“To the highest level ang effort ng mga estudyanteng to, applause Pinakabonggang Buwan ng wika celebration”

“First time kong maka kita ng ganito ka effort ang buwan ng wika grabe galing niyooooo”