Buti pa si muning, may ambag! Pusa, kinagiliwan dahil sa pagmamasahe sa kanyang amo

Kyut na kyut ang mga netizen sa isang pusa na sinasabayan ang kanyang mga amo sa pagmamasahe sa kanilang ina.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Hindi naman nakakagulat kung ang ilang mga alaga ay nangongopya sa ginagawa ng kanilang mga amo, tulad na lang ng isang pusa na sinasabayan ang mga anak ng kanyang amo habang nagmamasahe sa kanilang nanay.

Tuwing nakikita ni Muning ang mga bata na pumupuwesto na para magmasahe sa kanilang mommy ay hindi rin ito nagpapahuli.

Humahanay na rin siya para maging ikatlong masahista. Kaya naman binidyuhan ng OP ang kanyang tatlong masseuse isang araw habang magkakatulong silang nagbigay saya sa pagod na ina.

Bilib naman ang mga netizens sa kakatwang paandar ng pusa.

“WOW nag mamasahe si cat”

“Ka cute sa memeng.”

“Buti pa si muning may ambag!”

“They all know how to massage. Great work kids. learning from your fur bro”

Ayon sa mga ekperto, ang mga pusa nag nag ni-kneading bilang pagpapakita ng kanilang kasiyahan. Ginagawa din nila ito kung gusto nilang ma-relaks.