Buti pa pusa, may lovelife! Cat-Drama, kumabog sa mga pakilig na eksena sa Koreanovela

Kinabog pa ng dalawang pusa ang romantic scene sa isang K-drama.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Tuwang-tuwa ang mga cat lovers at maging casual fans ng Koreanovela sa isang video ng dalawang pusa na dinaig pa ang romantic scene sa teleserye dahil sa dramatic na pagsalo ng isang muning sa isa pang pusa mula sa pagkakahulog.

Sumakto pang nilapatan pa ng malupit na background music kaya’t nagmistulan talaga itong eksena sa K-drama.

“Edi kayo na” “D wow grabi na mga pusa ngayun” “sana all cat- drama” “Buti pa mga pusa, may love life.”