FILO SWIFTIES, magbunyi! Kung hindi ka pinalad na umabot sa tickets ng concert ni Taylor Swift sa Singapore nang unang magbukas ang bentahan, may pag asa ka pa ring makapanuod ng live sa pagbubukas ng karagdagang seats sa Singapore National Stadium.
Ayon sa ulat ng Interaksyon.com, nag anunsiyo ang TicketMaster Singapore na sila ay maglalabas ng karagdagang tickets para sa concert ng global superstar na nakatakda sa March 2, 3, 4 & 7, 8, at 9, 2024.
Ang karagdagang tickets ay ibebenta sa January 25.
🚨| Additional Tickets for Taylor Swift’s ‘The Eras Tour’ in Singapore have begun streaming out! pic.twitter.com/VWtVSKU256
— The Eras Tour (@tswifterastour) January 19, 2024
Maraming fans ang nalungkot noon nang mag-anunsiyo na ang Singapore lamang ang tanging Southeast Asian stop ng “The Eras Tour.” Para sa mga hard core Pinoy fans ng sikat na singer-songwriter, agaran silang nag book ng tickets patungong SG para suportahan ang kanilang idolo sa kanyang highest grossing global tour. Mukhang sa pagbubukas ng mga bagong tickets ay dadami din ang babiyahe pa patungong Singapore.