Good news para sa mga fans ng “Queen of Tears” na pinagbidahan nina Kim Soo Hyun at Kim Ji Won noong 2024. Magkakaroon ng panibagong special episode ang hit serye matapos itong manalo sa “2024 Holiday Party Run with TVN” poll ng cable network noong Pasko at Bagong Taon.
Napili ito bilang Best TV Program ng mga manonood kumpara sa iba pang hits ng tVN kabilang ang “Marry my Husband” nina Na In Woo at Park Min Young, “Lovely Runner” nina Byeon Woo Seok at Kim Hye Yoon, at “Love Next Door” ni Jung So Min at Jung Hae In.
Dahil sa sobrang lakas ng “Queen of Tears” sa mga manonood, naglabas ng dalawang special episodes ang drama matapos ang kanilang finale. Ang parating na special episode ay inaasahang magkakaroon ng panibagong nakakakilig na content tampok ang SooWon couple (Soo Hyun at Ji Won).