Lubos-lubos ang pasasalamat ni Ryzza Mae Dizon sa kanyang EAT Bulaga family, lalo na sa kanyang Ate Maine Mendoza dahil bukod sa kanilang surprise cotillion na ginanap sa noontime show, naghanda pa ng isa pang sorpresang birthday part ang mga dabarkads.
Sa isang post ng Nice Print Photography, makikita ang ilang eksena sa naganap na 19th birthday party ni Ryzza kung saan napakaganda ng venue na inayos talaga para sa selebrasyon.
Cute din ang ayos ng birthday girl na nagmistulang prinsesa sa kanyang tiara at pink dress. Humataw naman sa sayawan ang mga guests na nakisaya sa party. Hindi din nakalimot ang SB19 na nagpadala ng kanilang video greeting sa may kaarawan.
“Happy birthday ur sooo lucky to have such a wonderful friends like ur EB FAMILY GOD BLESS RYZZA”
“You Are Sooo Blessed to be w/ the EB Family..Ramdam yung Kabutihan Nila & You Are All Just A One Happy Family.”
“Iba talaga SI Ate Maineand EB fam super sweet and supportive the best of all the best u deserve it Ryzza happy birthday”