Nagparadam si Jin ng BTS sa kanilang mga fans halos isang buwan bago matapos ang kanyang mandatory military service sa pamamagitan ng isang video message.
Nag-record ng video si Jin kasabay ng release ng kanyang solo single na “The Astronaut” noong October 2022. Nilagay naman ang nasabing video sa BANGTANTV YouTube channel nitong May 2.
“You’ll be seeing me very soon. I’ve missed you a lot,” sinabi ni Jin, na nagsimulang magsilbi sa militar noong Disyembre 2022.
“Have a great May and remember that I’ll be coming to you very soon,” dagdag pa niya.
Inaasahang madidischarge mula sa kanyang mandatory military service si Jin sa June 12, at siya ang kauna-unahang makakatapos ng serbisyo mula sa BTS. Inaasahang magpapatuloy ang BTS bilang full group of seven sa 2025.
Sa South Korea, mandatory ang pagsisilbi sa hanay ng militar ng lahat ng kalalakihan na may edad 30 pababa, at kinakailangan nilang maglingkod ng hindi bababa sa 18 na buwan.