BTS but make it HUMMS! Patawang post tungkol sa motto ng mga BTS members

Paano ba kung maging HUMMS students ang BTS members? Ito ang sinagot ng isang makulit na post.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Benta sa mga ARMY ang isang fan edit kung paano ang magiging yearbook photo ng mga BTS members kung sila ay naka enroll sa Humanities and Social Sciences (HUMMS) strand ng senior high school.

Kahit hindi matukoy kung sino ang orihinal na nakaisip ng konsepto, maraming BTS fans ang nag-react sa mga dahilan kung bakit napunta sa HUMMS sina Jin, Jimin, RM, J-Hope, Suga, V, at Jungkook.

Sa nakakatuwang post, ang dahilan daw sa pagpasok sa kurso ni Jin ay simple lang, dahil kailangan lang nila ng pogi sa HUMMS.

Ang motto naman ni RM sa pagsali, para ipaglaban ang karapatan mo. Siyempre spoken like a true leader.

Samu’t saring mga kalokohang dahilan din ang ginamit para sa ibang miyembro na sumasalamin sa kanilang mga personality

“IF YOU CANT BE THE BEST, BE THE WORST AHAHAHA”

“Galing ng gumawa ha”

“hahahaha .. ang ku kyut nilang lahat .. ang witty ng mga MOTTO”

“’papunta palang tayo sa exhausting part’ — Jeon Jungkook”