Ang bridal walk dapat ang pinaka-emotional na moment sa isang kasal, pero sa isang destination wedding sa Subic, Zambales, naging instant comedy ang entrance ng bride dahil sa isang di inaasahang sablay.
Sa viral TikTok post ni groom Francis Toledo, makikitang halos maluha na siya nang makita niyang unti-unting bumukas ang pinto ng St. Anne Chapel, hudyat na maglalakad na ang kanyang bride na si Dianne sa aisle. Pero bago pa siya tuluyang mapaiyak, makikitang wala ang bride at maya-maya pa ay bigla ulit sumara ang pinto.
Hinangin lang pala ito, at hindi naagapan ng event organizers. Kaya laugh trip ang dulot nito sa mga bisita at pati na rin sa groom. Sa video, maririnig pa ang isang bisita na pabirong sinabi, “It’s a prank Kiko!”
Sa comment section, nag-sorry ang isa sa mga event coordinators sa nangyari, pero chill lang ang groom.
“It’s totally fine! Nakatulong para hindi umiyak sa actual entrance😅,” ani Francis. Dagdag pa niya, core memory unlocked ito na siguradong ikukwento niya sa magiging anak nila ni Dianne.
@kikotherapy Finally may entry na kami 🤣#brideentrance #weddingtiktok #wedding #travel #destinationwedding
Siyempre, hindi naman nagpahuli ang mga netizens sa mga witty na reaksyon:
“kumuha daw muna ng asin ung bride ”
“👰:wait nakalimutan ko Yung pang gayuma’”
“🤵: (Pangiti-ngiti pero kinabahan bigla)”
“Kabado yung tawa. Nag overthink ng wala sa oras.🤣🤣🤣”
May netizens naman na pabirong nag-challenge kay Kiko na ipakita ang actual bridal march bilang patunay na natuloy talaga ang kasal.
“Dahil jan.. Ipakita mo sa amin yung hindi prank na bride entrance. 😅🙏,” sabi ng isang netizen.
Game naman ang groom at pinost nga ang bridal walk ng kanyang misis sa isa pang TikTok video.
“Since our wedding was all about highlighting my now-wife, posting her video as well—also, proof that she actually went through with it HAHA,” ani Francis.
Nagpakasal ang dalawa noong Nobyemre 2024, pero ang viral video ay pinost lang nitong March 21. Sa ngayon, 9.8 million views na ang nakakatawang video at patuloy pang dumadami.
@kikotherapy Replying to @Lexy Ong yes, tumuloy po siya 🤣 #wedding –#weddingtiktok –#weddingviral #weddingday #destinationwedding ♬ original sound – Kikotherapy