Bouquet toss but resignation edition, patok sa mga nais na rin mag resign sa kanilang trabaho

Tawang-tawa ang netizens sa isang TikTok video tampok ang resignation moment ng isang empleyado na ginawang bouquet toss gamit ang kanyang company ID.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Imbes na iyakan o mahabang goodbyes, tawanan ang pamamaalam ng isang empleyado matapos niyang gawing bouquet toss ang kanyang resignation moment sa opisina.

Kinaaliwan ngayon sa TikTok ang video na shinare ni @‌jhaninec_ kung saan ginawa niyang mala-kasal ang kanyang huling araw sa trabaho. Sa halip kasi na sa kasal idaos ang bouquet toss, ginawa niya ito mismo sa opisina bilang pagpapaalam sa kanyang dating kumpanya.

Pero imbes na bulaklak, ang ipinaagaw niya sa kanyang mga katrabaho ay ang kanyang company ID, simbolo ng susunod sa kanyang yapak sa pag-reresign.

@jhaninec_

sooo who’s next? 😀

♬ original sound – MANUEL LUPEN


Aliw na aliw din ang netizen sa paandar ng uploader:

“Napara bang hahatiin pa nila yung id para magsabay-sabay lang mag resign 😂”

“na para bang gusto na nila lahat magresign”

“looking a lil too happy tryna catch that toss 👀 haahahha”

“HAHAHHAHAHAHAHAHAHAHA”