Boracay: Top 1 white sand beach sa buong mundo ngayong 2024!

Top 1 white sand beach in the world for 2024 ang Boracay, ayon sa Cabin Zero

Paraiso kung ituring ng marami ang Boracay dahil sa napakagandang tanawin at napakaputi at pino nitong buhangin.

Kaya naman, nanguna ito sa listahan ng best white sand beaches sa buong mundo nitong 2024, ayon sa Cabin Zero, isang kilalang baggage company.

Naglabas kamakailan ng listahan ng Top 12 Best White Sand Beaches sa buong mundo ang nasabing kumpanya, ayon sa ulat ng  Inquirer.net. 

Bukod sa Boracay, narito ang iba pang pasok sa listahan: Whitehaven Beach, Whitsunday Island, Queensland, Australia, (Top 2), Clearwater Beach, Florida (3), Carmel Beach, California (4), Diani Beach, Kenya (5), Varadero Beach, Cuba (6), Grace Bay, Turks & Caicos (7), Long Beach, Vietnam (8), Palm Beach, Aruba (9), Maya Beach, Thailand (10), Anse Source D’Argent, Seychelles (11), at Tulum Beach, Mexico (12).

Tags: Boracay, Cabin Zero Top 12 Best White Sand Beaches 2024, white beaches in the world, Philippines