Book na yan! LeBron James at buong LA Lakers, iniimbitahan ng Pinoy netizens na magbakasyon sa Boracay

Mga Pinoy inimbitahan si LeBron James at buong ang LA Lakers na magbakasyon sa Boracay matapos masibak sa NBA Playoffs.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Bakasyon sa Cancun, Mexico ang kadalasang biruan sa mga teams na natatanggal sa ginaganap na playoffs ng National Basketball Association (NBA).

Pero para sa mga Pinoy, magandang subukan din ng Los Angeles Lakers at ni LeBron James ang world-class Boracay beaches sa Pilipinas.

Trending ngayon sa X ang sari-saring imbitasyon ng mga netizen sa Lakers at kay Lebron na magbakasyon sa Boracay.

Noon lamang nakaraang buwan, napabilang ang Boracay sa listahan ng 10 Best Islands in Asia-Pacific ng travel magazine na DestinAsian.

Naglabasan ang imbitasyon sa Lakers matapos silang matanggal ng defending champions na Denver Nuggets sa kanilang NBA Playoffs series.