Bonggang OOTD! Mga astronauts, rarampa sa buwan nang naka-Prada spacesuit

Isang spacesuit na obra ng Prada ang isusuot ng mga astronauts sa darating na misyon sa buwan sa 2026.

Malapit nang rumampa ang mga astronauts sa kalawakan na naka-designer spacesuit dahil ang kilalang luxury brand na Prada ay lumikha ng isang kasuotan na gagamitin sa susunod na misyon patungong buwan.

Nakipag-collab ang tanyag na fashion brand na itinatag sa Milan noong 1913 sa Axiom Space para magbigay payo sa disenyo at materyales ng espesyal na spacesuit na ito na, tinatawag na Axiom Extravehicular Mobility Unit (AxEMU) spaceuit.

Ang AxEMU ay “evolvable, scalable at adaptable” para sa mga misyon sa buwan at sa low-Earth orbit, ayon sa ulat ng Daily Mail.

View this post on Instagram

A post shared by Prada (@prada)

Ayon sa Prada, ang spacesuit na ito, na gagamitin para sa Artemis III mission ng NASA na inaasahang magaganap sa Setyembre 2026, ay idinesenyo upang kayanin ang matinding temperature sa lunar south pole at ang pinakamalamig na bahagi ng buwan na hindi tinatamaan ng sikat ng araw.

Sinigurado rin ng mga designers na magagamit ang spacesuit ng parehong babae at lalaking astronaut at makakagalaw sila nang maayos nang hindi baba saw along oras.

Tampok rin ng spacesuit ang isang carbon dioxide “scrubbing system,” isang portable life support system backpack, at isang matingkad na puting panlabas na layer upang maibsan ang init. May advanced coatings rin sa helmet at visor para mapabuti ang paningin ng mga astronaut habang nasa kalawakan.

“Going beyond our limits is one of the company’s values that perfectly reflects the spirit of the Prada brand and my parents’ vision,” ani Lorenzo Bertelli, Prada Group Chief Marketing Officer and Head of Corporate Social Responsibility, ayon sa ulat.

View this post on Instagram

A post shared by Prada (@prada)

“I’m very proud of the result we’re showing today, which is just the first step in a long-term collaboration with Axiom Space,” dagdag pa niya.

Ang darating na misyon sa 2026 ay ang unang pagkakataon na makabalik ang mga tao sa buwan matapos ang Apollo 17 na misyon noong 1972. Magtatagal ng isang linggo ang binabalak na misyong ito.