Nagpatingkad sa ganda ng former Miss Universe Catriona Gray ang bright pink bag na ginamit niya nang mag-upload ito ng mga larawan ng kanyang bakasyon sa Australia.
Super eye-catching ang pink bag na gawa ng mga Filipino artisans mula sa Gustoko, isang Portugal-based business na kung saan Pinay ang founder na si Paula Figueras.
Na-establish noong 2012, nagsho-showcase ng magagandang bags na gawa ng mga Pinoy ang Gustoko na mula sa mga lokal na halaman gaya ng buntal at abaca, sabutan, raffa, at jute.
Magaganda at puno ng charm at character ang mga contemporary handbags na gawa ng mga Pinoy.
Ang Gustoko brand ay paraan umano ni Paula na tumulong sa mga local communities sa pamamagitan ng pagbibigay hanapbuhay at pagpapanatili ng mga tradisyon ng hand weaving at pagbuburda, ayon sa website na sophie-summer.com.