Boarding house life 101: Estudyante pinabilib ang netizens sa kanyang instant plato hack para sa tropang gutom

Estudyante nagpabilib sa kanyang boarding house hacks 101 na nagpatunay na basta may tropa at diskarte, may paraan ang dorm feast.

Talagang lalabas ang diskarte ng isang tao kapag gipit, katulad na lang ng isang solo-living na estudyanteng marunong dumiskarte para sa tropa.

Sa nakakaaliw na TikTok video ni @‌juliaa.mp3, ibinahagi niya kung paano niya na-accommodate ang mga bisita kahit pang-solo lang ang gamit sa boarding house. Wala mang kumpletong set ng plato, hindi iyon naging hadlang para makapagpa-fiesta.

Ang mug, bowl, takip ng pitchel, at pati na ang sangkalan ay nagsilbing instant plato para sa barkada, basta lang makakain ng masarap na ulam na nakahanda.

@juliaa.mp3 kanya kanyang diskarte nalang HHAAHHAHA #jet2holidays #dormlife #college ♬ original sound – Kendy

Tuwang-tuwa ang mga netizens sa comment section at todo relate sa student life moments:

“pretty sure, yung core memory dito, sobrang solid tawanan, kwentuhan. Ito ang bumubuo sa student life natin.”

“yung takip ng pitchel walang kawala😭”

“lahat napakinabangan e🤣🤣”

“relate HUHUHU pumunta dito sa dorm mga kaklase nung shs, kanya kanyang lalagyan nalang kase isa lang ako dito😭😭”