Ipinakita ng mga P-pop girl groups na BINI at G22 sa madlang Tsino ang kanilang husay matapos ang kanilang guesting sa isang reality show sa China kamakailan.
Nag-guest ang dalawa sa pinakamainit na P-pop groups sa Pilipinas sa “Show It All,” isang reality show sa China kung saan ipinapakita dito ang pinagdadaanan ng mga talent para mag-training maging isang idol group.
Sinampolan ng BINI ang kanilang Chinese audience at kinanta ang dalawa sa kanilang hits na “Karera” at “I Feel Good,” ayon sa ulat ng ABS-CBN News.
Nagpasalamat naman si BINI Aiah sa mainit na pagtanggap ng Chinese audience.
“I think this experience will be something that we will always carry and treasure with us because being able to come here in China, it’s a first for us,” ani Aiah.
Samantala, nag-perform naman ang G22 sa show, at kinanta ang “Babalik” at “Boomerang.” Pinasalamatan rin ng G22 ang Chinese audience sa pagkakataong ibinigay sa kanila.
“We went there to help and inspire their Chinese girl group, but we ended up learning a lot from them as well. It was new, it was fun, it was also nerve wracking at times. We definitely came back with a whole set of skills, awareness and patience,” sinabi naman ni G22 member Jaz.