Kahit na hindi masyadong maganda ang naging karanasan sa araw ng kanilang kasal dahil sa miscommunication na nagdulot ng pamamahiya sa kanila sa simbahan sa Amlan, Negros Oriental, nagmistulang blessing in disguise pa ang mga pangyayari upang maisakatuparan ang dream wedding ng mag-asawang Janine at Jove Deo Sagario.
Mula sa simpleng kasalan, bumuhos ang mahigit Php1 milyon halaga ng supplies mula sa iba’t ibang tao at grupo para sa panibagong kasal nina Janine at Jove kung saan libreng nagbigay ng kanilang serbisyo ang mga wedding photographers, videographers, coordinators, stylists, makeup at wardrobe artists, food suppliers at venue.
Kaya naman bakas na bakas sa mukha ng mag-asawa ang saya nang matupad ang kanilang dream wedding free of charge. Namangha rin ang mga netizens sa kinalabasan ng take two ng kanilang kasal.
“Makapanindig ang balahibo! Humanity wins. The power of social media is very strong if used them in the right way like this situation. All good samaritan step- in to make their wedding unforgettable in a pleasant way. Congratulations to all the sponsors…”
“Wow!!!humanity at its finest!God bless you all kind souls who made this posible for the couple.”