BLACKPINK world tour, 15 track album, kasado na para kay Jennie, Jisoo, Lisa at Rose

Kasado na ang bigating comeback ng BLACKPINK na gagastusan ng milyon ng YG Entertainment.

Matapos mamayagpag sa kani-kanilang mga solo projects, magsasanib pwersa muli ang mga miyembro ng BLACKPINK para sa isang world tour nitong 2025 at isang full length album na may 15 tracks.

Nagkakagulo ang mga BLINKs ngayon sa social media dahil maugong ang balita na ang bagong full length album ng BLACKPINK ay may collab sa mga bigating music producers at gagastusan ng milyong dolyar ng YG Entertainment.

Kahit wala pang kumpirmasyon sa aktwal na release and detalye, kinumpirma naman ng YG na magkakaroon ng comeback ang BLACKPINK at world tour sa taong ito.

Matatandaang sa huling negosasyon ng kanilang kontrata, pinili nina Jennie, Jisoo at Lisa na magtayo ng sariling labels para i-self manage ang kanilang solo careers. Si Rosé naman ay nag-sign sa The BLACK LABEL, isang subsidiary company ng YG para sa kanyang solo projects ngunit pinili pa rin ng mga miyembro na manatili sa YG para ipagpatuloy ang kanilang group activities.

Mula noong nakaraang taon, nagbunga ang kanilang desisyon ng solo EPs mula kina Jennie (MANTRA), Lisa (ROCKSTAR) at Rosé na nasa likod ng global hit na “APT” at “Number One Girl.” Si Jisoo naman ay bumida sa Amazon Prime original series na Newtopia.