Blackface in your area! Customer at waitress nag-mukhang uling dahil sa pusit sa isang resto

Nag-mukhang ati-atihan ang isang customer at waitress sa isang restaurant matapos aksidenteng sumabog ang tinta ng isang pusit na niluto sa hotpot.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Viral ngayon ang isang video ng isang staff sa isang seafood restaurant sa Tsina na aksidenteng napisa ang tinta ng pusit habang ina-assist ang isang customer.

Ang siste pa, tumalsik ang tinta sa mukha ng customer samantalang ang natitira pang tinta ay nanatili sa kamay ng staff.

Ang nagdulot ng lubos na katatawanan ay ang pangingitim ng mukha ng customer nang ipahid niya ang tinta para matanggal sa kanyang mukha. Wala ding kamuwang-muwang ang waitress na naka blackface na din ang kanyang mukha at patuloy siyang nagsilbi sa ibang lamesa na para bang walang nangyari.

“Ang hirap tumawa ng wlang sound”

“Bakit ganun gusto lng Naman Kumain ng tao”

“Hahaha dami Kong tawa libo ilang ulit Kong pinanood”

“Kong pinoy yan wla na ngwala na yan sa galit”