Black Rider Bromance Alert! Korean actor Kim Jisoo at home na at home sa set dahil kay Jon Lucas

Mukhang nag-click at naging instant BFFs si Jon Lucas at Kim Jisoo sa set ng “Black Rider.”
Found this article interesting? Help others discover it too!

Likas sa mga Pilipino ang pagiging palakaibigan at hospitable kaya naman hindi nagkaroon ng problema ang Korean star na si Kim Jisoo sa set ng “Black Rider” kung saan siya ang pinakabagong karakter na ipinakilala sa programa.

Kahit gigil man ang “Black Rider” fans kay Jon Lucas sa pagiging kontrabida nito sa serye, aprub naman sa kanila ang pagtrato nito kay Jisoo sa likod ng kamera.

Sa isang video na ibinahagi ng GMA, ipinakita ang dalawang bagong mag-BFF habang nagkukwentuhan tungkol sa mga lugar na gustong bisitahin ni Jisoo sa Pilipinas. Bukod sa pagbibigay ng rekomendasyon ay nag-aya pa si Jon na samahan ang Korean star sa mga magagandang lugar sa Pinas na hindi nito dapat ma-miss.

Nagkwentuhan din sila tungkol sa pamilya kung saan ibinahagi ni Jon na isa na siyang ama ng dalawang babies at maaga siyang nag-asawa.

Kamakailan ay ipinakilala si Jisoo bilang pinakabagong Kapuso matapos nitong matapos ang kanyang mandatory enlistment sa Korea.

Bago ito nagsilbi sa military ay nasangkot ito sa isang bullying scandal ngunit nilinaw niya sa kanyang paglabas na nagkaroon lamang ng misunderstanding sa pagitan niya at ng kanyang dating kaklase. Sinabi niya ding nagkabati na sila matapos niyang humingi ng paumanhin dito.

Para naman sa mga Pinoy, ayos na ayos na dito na lang magbalik showbiz si Jisoo dahil tapos na naman ang issue na kanyang kinasangkutan. Anila, mapagpatawad naman ang mga Pilipino at ang importante ay ang pagsisisi sa nagawang kasalanan. Sayang din naman daw ang galing ni Jisoo sa pag-arte kung hindi na ito mabibigyan ng pagkakataong umakting ulit.