Birthday Pasabog! ‘The Eras Tour’ concert film ni Taylor Swift maaari nang mapanuod sa mga bahay bahay

Kung pinalad, kasama ang mga Team Bahay FILO Swifties na pwedeng makapanuod ng kanyang “The Eras Concert” film via streaming.

May pa-birthday na naman si Inang Taylor Swift sa kanyang mga global Swifties!

Para sa kanyang darating na kaarawan, inanunsiyo ng “Red” singer na mayroon na naman siyang sorpresa para sa kanyang fans sa December 13.

Ayon kay Taylor, mapapanuod na ang “The Eras Tour” concert film sa mga bahay ng mga Swifties kasama ang kanilang buong pamilya at barangay dahil maaari na itong mai-rent in demand sa US, Canada at ilan pang mga bansa.

Kabilang sa concert ang extended versions ng “Wildest Dreams,” “The Archer,” at “Long Live!”

Hindi pa sinasabi ni Taylor kung makakabilang ba ang Pilipinas sa maaaring mag-access ng concert film ngunit umaasa ang FILO Swifties na hindi na sila malilimutan ng kanilang idolo sa pagkakataong ito.

Matatandaang nabigo ang mga Pinoy fans nang hindi mapabilang ang Pilipinas sa mga concert stops ni Taylor sa Asya sa susunod na taon kaya’t marami ang nag-book na lang ng ticket papuntang Singapore at Japan mapanuod lang ng live si Taylor.

Ang ilan naman ay naki-jamming sa mga concerts ni Taylor Sheesh na umaariba naman ang galing sa kanyang mga performance.

Kaya abangers muna mga Team Bahay sa pagkakataong ito.