BINI, Taylor Swift level na ang daily stream sa Spotify Philippines

Umabot ng higit isang milyong streams na ang daily average ng BINI sa Spotify, na halos kapantay na ng streams ni Taylor Swift sa Pilipinas.

Wala na talagang makakapigil pa sa BINI fever dahil kahit saan ka magpunta ay bahagi na ang playlist ng nation’s girl group. Sa katunayan, ibinahagi ng allChartsPh na ka level na ng naabot na ng BINI si Taylor Swift pagdating sa daily stream sa PIlipinas.

Sa kanilang post, ibinahagi ng allCharts Ph na napantayan na ng BINI ang record ni Taylor Swift sa pagiging artist na lumapas sa isang milyong streams sa Spotify sa isang araw.

Patunay lamang ito na patuloy na dumarami ang supporters ng BINI at dumarami na rin ang bilang ng kanilang Bloom fandom.

Nagbunyi naman ang mga fans ng BINI at nagsabing deserve naman talaga ng walong miyembro ang success dahil sa mga nakakaindak nilang kanta at dedikasyon sa kanilang karera.