BINI Boy! Cute na batang lalaki, agaw-eksenang nag-perform ng ‘Salamin, Salamin’ sa isang concert ng BINI

Humataw sa stage ang isang batang lalaki matapos hindi awitin ng BINI ang ‘Salamin, Salamin’ sa kanilang concert.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Viral ngayon ang isang batang lalaki na pwede nang ituring na honorary member ng BINI matapos itong magpakitang gilas sa pagsayaw ng choreo ng “Salamin, Salamin” ng nation’s girl group.

Sa video, makikita ang bata na kinakarir ang steps ng hit song ng BINI habang ang mga audience naman ay todo-suporta sa bagets.

Ayon sa OP na si Whos Hxnnah, hindi daw naiperform ng BINI ang kanilang sikat na kanta sa isa sa kanilang mga performance kaya’t si BINI Boy na ang nag desisyon at sumampa ng stage para sumayaw.

@whos_hxnnah ang cuteee #biniph #musikalayaan #bini #biniph ♬ original sound – hannah ౨ৎ

“cute ohhh @‌bini_maloi”

“mama: nak kamusta performance ng bini?? siya: ayos lng ma ako yung nag perform”

“concert nya po yan backup dancer lang po yung bini”

“kaaaa cuteeeee uy😭”