Bigyan ng ticket yan! Furbaby, inisnab ang fried chicken para mag-fanboy sa ‘Salamin Salamin’

Isang furbaby ang nag-viral sa TikTok dahil sa pang iisnab nito sa fried chicken para manood ng BINI.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Lakas talaga ng BINI! Ito na lang ang naging reaksyon ng mga netizens nang mapanood ang video ng isang furbaby na sobrang busy sa panonood ng kanyang favorite P-pop girl group sa isang tablet.

Ang matindi pa, kahit na hinainan pa ito ng kanyang amo ng fried chicken, dinedma lang niya ito at mas piniling manood pa rin ng “Salamin, Salamin” video ng BINI.

Dahil dito, agad naman nag-viral ang video na ngayon ay may 2.2 million views na. Suportado naman ng mga kapwa niya Blooms ang furbaby.

@motogabbyph Replying to @Steph BINI O CHIMKEN?? BINI PA DEN!! HAHAHAHAHAHAHHAA 🤣 #bini #bini_kai #fyp #viral #trending #dogsoftiktok ♬ original sound – MotoGabby PH. 🥷

“Bilhan nyo yan ng merch 😭 sinasabe ko sainyo”

“HAHAHQHHAHQHAHA CUTE BIGYAN NG TICKET YAN”

“Sino po bias niya?”