Hindi lang sa hit seryeng “Can’t Buy Me Love” patok ang tambalang SnoRene nila Anthony Jennings at Maris Racal, maging sa ivory carpet ng Star Magic Ball ay nagsabog din sila ng kilig.
Rumampa sina “Snoop” at “Irene Tiu” sa taunang Star Magic Ball 2024 na may temang Star Magical Ball kung saan iba’t ibang fairy tale characters ang peg ng mga nagsidalo.
Halatang-halata na kumportable sa isa’t isa sina Anthony at Maris, marahil dahil lagi silang nagkukulitan sa set kaya’t tuwang-tuwa din ang mga fans at shippers nila na matagal na ding humihiling ng sariling project para sa dalawa.