Bigyan ng jacket yan! Delivery man kinarir ang pakikipagsabwat sa nabudol na wifey

Kinarir ng isang delivery man ang pagtatago ng isang package na inorder ng isang ginang para hindi ito masita ng mister nito.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Tuwang tuwa ang mga netizens sa isang post ng Council Estate LAD page kung saan may sagot ang isang masunuring delivery man sa isang maybahay na naglagay ng mensaheng “Please Hide Packages from My Husband” sa doormat nito.

Dahil may likas na kakulitan ang delivery man ay sineryoso nito ang bilin sa doormat at gumawa ng paraan para maitago nga ang dala nitong package para misis.

Ginamit nito ang mga straw na nasa hardin nito para gumawa ng camouflage para sa mahabang box na ide deliver sa tahanan at nag iwan din ng note sa babae kung saan nito matatagpuan ang “itinagong” package sa kanyang mister.

“This driver deserves an award”

“This was perfect!!”

“Best delivery person ever!”

“this is the kind of effort we need!”