Bigyan ng citizenship yarn! Zuko actor na si Dallas Liu, tinalo ang half-Pinoy na si Gordon Cormier sa word association game

Laugh trip ang dulot ng tambalang Aang at Zuko sa word association game ng Netflix.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Tuwang-tuwa ang Zuko actor na si Dallas Lilu nang lampasuhin niya ang co-star na si Gordon Cormier sa isang Pinoy word association game na inihanda ng Netflix para sa promotion ng “Avatar: The Last Airbender Live Action” series.

Paano naman kasi, may dugong Pinoy si Gordon pero siya pa ang nangulelat sa kanilang laro.

Kahit na nangamote sa wikang Pilipino ay todo suporta pa rin naman ang Pinoy fans kay Gordon dahil bata pa naman ito at pwede pang matuto kung kanyang gugustuhin.

“Yung may lahi Kang Filipino pero ikaw pa Yung hindi nakakatama done watching, waiting for another Sisson”

“Oh his family should have taught him more. But he still represents well! Go Gordon!”

“Good job to u…even ur not s filipino u know some words filipino…”

“Ako na magbibigay kay Dallas”