Bigyan ng award, agad agad! Kaila Estrada trending sa sobrang galing sa ‘Can’t Buy Me Love’

Pinatunayan ng anak ni Janice (de Belen) at John Estrada na si Kaila Estrada na sing husay siya ng kanyang mga magulang sa pagganap.

Inulan ng papuri ang pagganap ni Kaila Estrada sa finale week ng “Can’t Buy Me Love” kung saan ni-reveal na ang karakter niyang si Bettina pala ang primera kontrabida ng serye.

Sa surprise twist kung saan inamin ni Bettina ang kanyang mga kasalanan ang dahilan kung bakit niya nagawa ang mga ito, humanga ang mga fans sa anak ni Janice de Belen at John Estrada dahil sa lalim na naibigay niya sa emosyon ng karakter na kanyang ginampanan.

Dahil dito, nagtrending ang anak ni Janice dahil sa kanyang natatanging pagganap.