Esnyr Ranollo distributes food to stray cats and dogs on the street during his meaningful birthday celebration.

Big winner with a big heart: PBB alum Esnry Ranollo piniling mag-birthday blowout para sa mga puspins at aspins

Sa halip na party, pinili ni Esnyr Ranollo na mag-birthday blowout para sa mga Puspin at Aspin. Panoorin ang heartwarming video dito.

Hindi lang big winner sa mata ng marami ang ex-PBB housemate na si Esnyr Ranollo, kundi isang big winner with a big heart din.

Sa viral TikTok birthday post ng content creator at PBB alum, ibinahagi niya ang isang simple pero heartwarming na pagdiriwang ng kanyang kaarawan. Imbes kasi na bonggang handaan, mas pinili ni Esnyr ang mas makahulugang paraan ng kanyang birthday celebration.

“Walang handaan sa bahay pero meron sa kalsada,” ani Esnyr sa kanyang video. Ipinakita niya ang behind-the-scenes ng kanyang birthday wish, ang pagpapakain sa mga stray cats and dogs sa kanilang lugar.

Kasama ang kanyang mga kaibigan, nagluto at naghanda si Esnyr ng pagkain para sa mga aso at pusa. Busog ang mga Puspin at Aspin, habang punong-puno naman ng saya at inspirasyon ang puso ng mga nakapanood.

@esnyrrr

Celebrating my day with them🐾🤍

♬ suara asli – ClassyStuff01

Umani ng papuri at emosyon ang kanyang post, kung saan bumaha ng pasasalamat at pagmamahal ang comment section:

“We’re stanning the right person 🙂 happy bday jo”

“I love you so much more for this. Thank you, Esnyr 🥹💖”

“you deserve everything!!! thank you for doing this, queen 🤍”

“Oh my Esnyr!!! 🥺🥺🥺 Nakakaiyak!!! ❤ thank you for doing this.”