Naging emosyonal ang nation’s mown na si Klarisse de Guzman sa kanyang kauna-unahang concert sa Araneta Coliseum dahil sa nag-uumpaw na suporta sa kanya hindi lamang ng fans kundi ng kanyang mga kapwa artists.
Present kasi sa kanyang concert ang kanyang “Pamilya de Guzman” mula sa kayang “PBB Celebrity Collab” stint na pinangungunahan ng kanyang panganay na anak na si Mika, kambal na si Shuvee at Esnyr at bunsong si Will.
Siyempre, naka-duet din niya ang Asia’s Songbird na si Regine Velesquez-Alcasid na napabalitang nag-waive ng kanyang TF para sumuporta kay Klang.
Guest din sa concert sina Mark Rudio, Meme Vice, TJ Monterde, Gian Bernardino at Rafa Ridao ng Cup of Joe.