Big brain! Budget-friendly ASMR restocking video, patok sa masa!

Patok sa usong trend ng restocking ang isang post ng Titos and Titas of Manila para sa mga kapos sa budget.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Usong-uso sa mga social media platforms na TikTok at Facebook ang mga ASMR restocking videos kung saan ipinapakita ang pag-rerestock ng mga maybahay ng kanilang mga pantry at ref habang nag-go-grocery.

Bukod sa aesthetic na pag o-organisa, pagkakataon din ito ng content creators na ibida ang kanilang mga napamili para sa kanilang mga tahanan.

Para makiuso, nag-post ang Klasik Titos and Titas of Manila ng low budget version ng trend na ito para sa mga walang pambili ng stocks.

Imbes na mamili, nag ASMR na lang sila ng mga produkto sa SM Supermarket at pinakinggan ang tunog ng mga delata na ipinagpapatong-patong, maging ang tunog ng pagbukas at sara ng ref ng grocery.

“Sa lahat ng restocking vids na napanood ko, eto lng an naramdaman ko na napakahumble,walang halong pagmamayabang”

“Mas mayaman ‘to mamsh, nirestock buong SM”

“The kind of restocking we didn’t expect.”