Aliw ang mga dog lovers sa isang matampuhing aso na tila conscious sa kanyang palayaw na pang baby.
Sa kanyang post sa kanilang page, ibinahagi ni Sheikh ang tila pagtatampo ng kanyang alaga na tinatawag niyang Chucoy. Talagang deadma lang ang aso hanggat hindi binubuo ng kanyang fur mom ang kanyang big boy name na Buchucoy.
Para naman sa mga netizens, parang teenager naman ang inasal ni Chucoy at cute na cute sila dito. Anila para itong teenager na ayaw na tinatawag ng cute name pag naririnig ng iba.
“Sus hahaha. Mas kyot nga ung Chucoy hahaha. Si Buu ko, alam nya galit na ko pag buong pangalan na hahaha”
“Awww so cute”
“Pogi ni chukoy!”
“aba taba! Kakagigil”
