Bumida ang saya sa Panagbenga Festival dahil nagwagi bilang Best Float ang Jollibee sa taunang Flower Festival sa Baguio City.
Wagi sa Large Float Category ang Jollibee na bumuo ng higanteng bucket ng Chickenjoy gamit ang mga naggagandahang bulaklak. Siyempre pa, kasama ding pumarada sina Jollibee, Hetty, Twirlie, Mr. Yum at Popo na pinagkaguluhan ng kanilang mga fans.
Pero bukod sa higanteng Chickenjoy ay bumuo din ang Team Jollibee ng Jollitown gamit ang iba’t ibang makukulay na halaman kaya’t nagbigay sila ng mas maraming good vibes sa mga manonood.
Tuwang-tuwa at namangha naman ang mga fans ng Jollibee:
“Congratulations jollibee bidang Bida ka talaga.”
“Congratulations BIDA NG BIDA JOLLIBEE”
“Dasurv naman po talaga Jollibee.. congrats po! Meaningful float!”
“Wow amazing float happy talaga Jollibee”