Pinakilig at pinasaya na naman ni Brent Manalo ang BreKa shippers matapos nitong batiin sa kanyang social media account ang kanyang PBB Celebrity Collab partner at kapwa Big Winner na si Mika Salamanca nang mag-birthday ito kamakailan.
Sa kanyang Instagram, nag-post si Brent ng isang maikli pero sweet na message para kay Mika. “Bday girl. I celebrate you today and every day,” ani Brent kasama ang mga litrato ni Mika na hawak ang kanyang birthday cake at kuha nilang dalawa sa isang beach.
Nagdiwang si Mika ng kanyang 25th birthday nitong Oct. 26.
Nag-reply naman ang Sparkle star sa comment section na “Thank you, partner!” Hindi rin napigilan ni PBB alum na si Bianca de Vera na humirit ng “tamis.”
Inulan din ng kilig at pangangantyaw mula sa fans ang birthday greeting ni Brent.
“AAAA OUR HEARTS, WE’RE MELTING 😭💜
“grabe naman ang mag bff na yan”
“kilig 😍💜”
“Kiss!!!! Kiss!!!! 😍”
“My mikbrent heart 💜”
“Bff pro max ang atake 😭💖”
“My breka heart is so so happy right now!!!”