Best sundo ever! Biyahero, sinalubong ng banda, tarp, sampaguita at welcome drink ng mga kaibigan sa airport

Ginalingan ng husto ng isang grupo ng magkakaibigan ang kanilang pagsundo sa kanilang katropa.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Karaniwang makikita sa mga airport ang mga nagsusundo na dalang placard ng pangalan ng kanilang kaibigan o kamag-anak. Sa ilang pagkakataon ay ginagalingan ng mga taga-sundo at meron pang baong tarpaulin para agad makita sa hanay ng mga nag-aabang.

Pero iba din ang paandar ng isang magkakaibigan ng sunduin nila ang kanilang katropa.

Imbes kasi na sign ang bitbit, aba’t may drum set na nakakarga sa likod ng pick up at may nagsasayaw pa hawak ang malaking tarp. Tila ba piyesta vibes ang naging pagsalubong nila sa kanilang kaibigan dahil may pa sampaguita at welcome drink din sila.

Wala na lang nagawa ang kanialng sinusundo kundi ngumiti at itago ang mukha sa kahihiyan.

(Courtesy:Marichu Balili/FB)

“the best sundo of all time”

“Gusto ko sana ganito din kaso naalala ko wala pala akong frnds”