Ani ng nakararami, nakakagaan sa journey ng mag-asawa ang magkaroon ng supportive na biyenan na tulad ni Sylvia lalo pa’t maganda ang pakisama nito sa mga mamanugangin sa simula pa lang ng relasyon nila sa kanyang mga anak.
“Walang hanggang pasasalamat Panginoong JESUS dahil binigyan mo ng napakagandang regalo ang aking si Potpot @ria ng isang napakabuting asawa, marespetong bata, mapagmahal na kapatid, anak at napakaresponsableng tao. Unang araw ko kayong nakitang magkasama alam ko ng kayo ang magkakatuluyan. Naramdaman ko yan,” ani Sylvia.
“Mother instinct,” sabi ng aktres sa kanyang post. Aniya, pati ang kanyang asawa ay ito na ang pakiramdam kay Zanjoe ng una pa lang kaya’t masaya sila na opisyal na itong naging bahagi ng kanilang pamilya.
Siyempre, masayang masaya din ang bagong groom sa naging pagtanggap sa kanya ng kanyang in-laws. “Grateful for your family 🙏❤️ thank you Ma 🥹” sagot naman niya.
Hindi rin nagpahuli ang mga netizens sa pagpapaabot ng kanilang well wishes sa bagong kasal.
“Nowadays ganitong mga ganap ang gusto nating makita, masaya lang at mahal ang isat isa. Happy for you both. God bless your marriage. Biyaya ng dios”
“That’s what mothers always wish for their children – is for them to end up with someone who will treat them with respect and love thru sickness and in health. God bless your family.”
Matatandaang naging maganda din ang pagtanggap ng pamilya Atayde kay Maine Mendoza nang ito naman ang na engage at ikinasal kay Arjo.