Best fans! Mga Pinoy supporters ng UNIS, todo suporta sa bagong K-pop sensations

Proud na proud ang mga fans ng bagong K-pop girl group na UNIS lalo na sa mga Pinay members nito.

Mula pa lang nang sumabak sa “Universe Ticket” ang mga Pinay hopefuls ay hindi na matatawaran ang suporta ng mga Filipino fans sa mga pambato ng Pinas. Kaya naman nang matapos ang reality show, tatlong Pinay nga ang nakapasok para mapabilang sa pinakabagong K-pop girl group na ini-launch ng F & F Entertainment.

Kabilang nga sa mga pumasa sina Elisia Parmisano, Gehlee Danca at Jin Hyeon Ju kaya’t nitong Linggo ay nakabalik sila ng bansa at dumayo sa Ayala Malls Cebu para kumustahin ang mga fans at i-promote ang kanilang debut single na “Superwoman.”

Ikinatuwa naman ng mga miyembro ang mainit na pagtanggap ng mga Cebuano fans sa kanila.

“Cebuanos are the best fans!”

“Lakas ng sigawan Pag si Gelee & Kotoko”

“Ohhhh my! My babies are all grown-up pretty ladies now.”

“grabee..when i saw this vid..nakaka proud maging pinoy..very supportive”

“grabe ang cebu!! Nakakainggit lng hays”