Beke nemen! BIGBANG fan, naghanda ng PPT presentation para maka-attend G-Dragon concert

Palakasan na lang ng loob ang ginawa ng isang VIP or BIGBANG fan para mapanood niya ng live si G-Dragon at mapayagan mag-work from home.
Found this article interesting? Help others discover it too!

Iba din talaga ang lakas ng loob ng mga K-pop stans dahil para sa kanilang passion ay nagagawa pa nilang ipaglaban ang kanilang K-pop idols maging sa kanilang mga boss.

Sa isang nakakatawang post sa IG, bumida sa eksena ang isang empleyado na naghanda pa ng special PowerPoint presentation para pondohan ng kanyang boss ang ticket para mapanood niya ng live si G-Dragon sa kanyang “Ubermensch” World Tour.

Sa kanyang offer, bibilhan siya ng kanyang boss ng SG$1,299 worth na VIP ticket para sa concert kung na-hit niya ang kanyang targets sa social media following. Kasama din sa hirit ni Ate na mag-work from home siya sa araw na iyon para hindi na mabawasan ang kanyang leave.

In fairness naman, mukhang cool ang work environment dahil habang busy sa kanyang presentation ay binibiro pa siya ng kanyang mga boss. Nainggit tuloy ang ibang netizens sa pagka-chill ng kanilang opisina.

Agad din naman niyang na reach ang target sa tulong ng mga netizens kaya ang kanilang hirit ay ibigay na agad kay ate ang reward.

“IMAGINE working somewhere where you can even present something like this. Even if they would say no, I wouldn’t even mind. Just the thought they would even listens (and laugh) would be enough 😂”

“They jumped from 4k to 11k in 24 hours. Get my girl the tickets😭”

“Amazing speech 👏👏👏 😂”

“Followed so that a fellow VIP gets that ticket + wfh!”