‘Behind every strong woman are the gays!’: Maris Racal, todo pasalamat sa kanyang Team Fantasy

Todo pasalamat si Maris Racal sa kanyang glam team para sa kanyang always wow red carpet looks.

Kahit sunod-sunod ang successful projects na kinabibilangan ni Kapamilya star Maris Racal, hindi niya kinakalimutan ang kanyang mga beki friends na talaga namang gumagawa ng himala para matupad ang kanyang mga fantasy looks.

Umani na naman ng paghanga si Maris sa finale presscon ng “Incognito” dahil sa kanyang pasabog at fierce na style. Pero ani Maris, ang kanyang Team Fantasy ang dapat bigyan ng credit dahil palaging may wow factor ang kanyang bawat entrance.

“Behind every strong woman are… the gays. eme. But also, truth,” ani Maris sa kanyang shoutout sa kanyang pinakamamahal na glam team.

“Just want to take a moment to shout out my glam team, Team Fantasy. We call ourselves that because these fabulous people are always game for whatever look I’m dreaming up,” aniya.

“Every morning starts with the same question: “Ano ang fantasy mo today?” From soft glam to full-on fever dream, they make it happen,” dagdag pa ng aktres.