Beautiful inside and out! BINI Aiah personal na nag-abot ng tulong sa mga seniors sa pamamagitan ng kanyang ‘Aiahdvocacy’ project

Nagdala ng saya at tulong si BINI Aiah, miyembro ng sikat na P-pop girl group, sa mga seniors nitong Oktubre bilang parte ng kanyang “Aiahdvocacy” project.

Pinatunayan ni BINI Aiah, miyembro ng tinaguriang “Nation’s Girl Group,” na ang kanyang kagandahan ay hindi lang sa panlabas na anyo kundi sa kanyang puso rin sa paglunsad ng kanyang bagong proyekto para sa “Aiahdvocacy” ngayong Oktubre.

Sa kanyang Instagram post, ipinaliwanag ni Aiah na ang kanyang advocacy project ay isang personal na tradisyon na bisitahin ang iba’t ibang mga komunidad at pasilidad taon-taon mula Setyembre hanggang Disyembre para makapagbigay ng tulong sa mga nangangailangan.

“A special love club project of mine, where I make it a tradition to visit different communities and facilities from September to December (the Ber month season). During this time, I extend my love, help, and blessings to people from various walks of life,” aniya.

Inilunsad niya ang kanyang 2024 project series sa pamamagitan ng pagbisita sa mga bata sa Tondo, Manila noong Setyembre. Sa tulong ng iba pang mga volunteer agencies, nag-abot siya ng in-kind donations at mga goods para sa mga bata.

Bago naman matapos ang Oktubre, binisita niya ang isang tahanan para sa mga seniors kasama ang kanyang kapwa BINI members na sina Maloi at Colet para magbigay saya.

“It was a day filled with love and gratitude. If there is one thing I have learned from this outreach, it’s that they, too, were once just like us—little girls and boys,” ani Aiah sa hiwalay na Instagram post.

Dagdag pa niya, “They have gone through many ups and downs in life and have experienced things we often encounter at our age. That is why we should all respect them and cherish the wisdom they have gained over the years.”

Si Aiah ay ang pangunahing rapper at visual ng P-pop group na BINI, na kilala sa mga sikat na kanta tulad ng “Pantropiko,” “Salamin Salamin” at “Cherry on Top.”

Bago pa maging bahagi ng BINI, kilala na si Aiah bilang isa sa mga tinitingalang Cebuana beauty queens na naguwi ng limang korona sa mga beauty pageant.